Eto kasi yun e after a prayer of giving up law school. :)

Dadating talaga sa punto na maiiyak ka nalang sa dami ng babasahin na kailangan tapusin, pagod, pressure at halo halong emosyon na parang wala nang katapusan. Tapos mapapatanong ka na lang, “Bakit ko kailangan pahirapan sarili ko ng ganito?” Papatak na ang luha at bigla kang matatawa sa sarili mo kasi narealize mo na umiyak ka na pala at sasabihing, “Anu ba yan, nababaliw na ata ako.”

Ganyan talaga. Hindi ka tunay na law student kung hindi mo napagdaanan o mapagdadaanan ang mga ganyang peg. Drama. Hehe

Ang depensa ko lang pag ganyan na, PANALANGIN. Sinasabi ko lang sa Lord lahat. Madalas nagugulat pa din ako pag para bang lumalakas ako after ko umiyak ng ganyan sakanya. Ang galing di ba? :) ang Lord lang naman ang sandalan ko kaya nakakaya ko. :)


#lawschool #lawstudent

  1. iamzhamy reblogged this from sunsetandothers
  2. mielyne said: Go atty. Glai! Isaiah 41:10 ;)
  3. sunsetandothers posted this